WHO magpapadala ng probe team sa Wuhan
Plano ng WHO na magpadala sa Wuhan, China ng ikalawang investigating team na binubuo ng mga siyentista para matukoy hindi lamang ang pinagmulang hayop ng virus ngunit kung paano nakakalipat ang virus sa magkakaibang ‘specie’ tulad ng tao.
AFP/Fabrice Coffrini

WHO magpapadala ng probe team sa Wuhan

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - November 28, 2020 - 12:00am

Pinagmulan ng COVID-19 tutukuyin

MANILA, Philippines — Tuloy ang imbestigasyon ng World Health Organization (WHO) sa kung saan talaga nagmula ang COVID-19.

Plano ng WHO na magpadala sa Wuhan, China ng ikalawang investigating team na binubuo ng mga siyentista para matukoy hindi lamang ang pinagmulang hayop ng virus ngunit kung paano nakakalipat ang virus sa magkakaibang ‘specie’ tulad ng tao.

“The real question is -- the original species barrier, where did that occur? And that is still unknown,” ayon kay Dr. Mike Ryan, director ng WHO Health Emergencies Programme.

Noong nakaraang Peb­rero ay nagpadala na ang WHO ng isang grupo ng mga eksperto buhat sa iba’t ibang bansa ngunit natalakay lamang sa mga opisyal ng China ang uri nang isasagawang mga pag-aaral.

Uumpisahan ang imbestigasyon kung saan unang naitala ang kaso ng COVID-19 sa Wuhan partikular sa palengke nito kung saan ibinebenta ang iba’t ibang uri ng hayop bilang pagkain kabilang na ang mga paniki saka susundan ang lahat ng datos at ebidensya.

Inamin ni Ryan na tulad ito ng paghahanap ng karayom sa dayami.

WORLD HEALTH ORGANIZATION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with