Pinas maiipit sa girian ng US at China sa South China Sea
Ang pahayag ay kapwa ginawa nina Defense Sec. Delfin Lorenzana at Asia-Pacific policy expert Ernest Bower sa Pilipinas Conference 2020 virtual forum ng Stratbase Albert del Rosario Institute noong Miyerkules.
CSIS AMTI via DigitalGlobe, File

Pinas maiipit sa girian ng US at China sa South China Sea

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - November 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagbabala ang ilang geopolitical expert na posibleng mas tumindi pa ang tensiyon sa South China Sea sa pagitan ng US at China at maaaring maipit sa hidwaan ang Pilipinas.

Ang pahayag ay kapwa ginawa nina Defense Sec. Delfin Lorenzana at Asia-Pacific policy expert Ernest Bower sa Pilipinas Conference 2020 virtual forum ng Stratbase Albert del Rosario Institute noong Miyerkules.

“This then is the crux of the security challenge in the Indo-Pacific region, the looming confrontation of the US and its allies and China for the South China Sea,” ani Lorenzana.

Sinabi ng Defense se-cretary na maaari namang idahilan ng US at China na “defensive in nature” ang kani-kanilang mga aksiyon subalit nakapanga­ngamba, aniya, na hindi malayong mangyari ang maling kalkulasyon mula sa alinmang dalawang naggigiriang superpower.

Ibinunyag pa ni Lo­ren­zana na lalo pang inar­masan ng Beijing kamakailan lang ang sarili nitong Coast Guard at pati na ang iba pa nitong nagpapatrolyang barko sa nasabing karagatan.

Ayon naman kay Bo­wer, ang CEO ng Bower Group Asia, mas kailangan sa ngayon higit kaila-nman na mapag-usapan at maresolba nang sama-sama ang isyu upang hindi na ito lumala pa, lalo’t si Joe Biden ang nahalal bilang bagong US president na aniya’y inaasahang magpapatupad ng isang estriktong polisiya ukol sa South China Sea.

Idinagdag ni Bower na inaasahang palalakasin ng administrasyon ni Biden ang alyansa sa mga bansang Australia, Japan, Korea, Pilipinas, at Thailand, at magiging kabilang sa mga prayoridad nito ang pagpreserba sa Visiting Forces Agreement dito sa bansa.

Samantala sa parehong online forum, binigyang-diin ni Stratbase ADR Institute president Prof. Dindo Manhit na kahit krusyal ang papel at presensiya ng US sa Indo-Pacific sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, hindi naman dapat na ito lang ang magdikta sa magiging kapalaran ng rehiyon.

Panukala ni Manhit, kailangang palakasin ang “minilateral collaboration” sa pagitan ng mga kaal-yadong bansa ng Pilipinas dahil sa lumalalang banta sa seguridad ng rehiyon.

SOUTH CHINA SEA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with