Health protocol sa Kamara nalalabag daw

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - November 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi umano nasusunod ang mandatory health protocol ng ilang lider ng Kamara matapos magkaroon ng exposure sa COVID-19.

Ayon sa report, may exposure umano kay Tesda Director Isidro Lapeña sina House Speaker Lord Allan Velasco, Deputy Speaker Mikee Romero, DIWA Partylist Rep. Mike Aglipay at House Secretary-General Dong Mendoza nang makasama nila ito sa isang pagtitipon kasama ang mga alumni ng Philippine Military Academy (PMA) subalit hindi umano nagself-qua-rantine bagkus ay dumadalo pa sa mga hearing sa Kamara na maaaring malagay sa kompromiso sa kanilang mga staff at iba pang kapwa mambabatas.

Una nang kinumpirma ni Sen. Joel Villanueva na nagpositibo sa COVID 19 si Lapeña. Aniya, Nobyembre 20 nang du-malo si Lapeña ng Senate Hearing at kinabukasan, Nobyembre 21 ay nakuha nito ang kanyang positive result sa virus.

Dahil expose si Villanueva kay Lapeña, kasalukuyan itong nakaself-quarantine habang nanawagan din ito sa mga staff at iba pa sa Senado na nagkaroon ng close contact na guma­wa ng kahalintulad na hakbang.

Sa kabila ng anunsyo na nagpositibo sa virus si Lapeña ay hindi naman umano nag-obserba ng health protocol ang apat.

Ilang kawani tuloy ang nangangamba rin sa kanilang kalusugan at nanawagan kay Velasco na paigtingin ang ipinatutupad na protocol laban sa COVID-19.

Sa huling test ay ne­gatibo na si Lapeña su-balit nananatili ito sa isolation.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with