Experts nagbabala sa biglaang pagsipa ng COVID-19 cases
Sa pagsusuri ng OCTA Research Team, napansin nila ang pagtaas ng kaso sa Metro Manila (373), Calabarzon (338), Central Luzon (185), at Western Visayas (110) sa mga nakalipas na araw.
AFP/Ted Aljibe

Experts nagbabala sa biglaang pagsipa ng COVID-19 cases

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - November 26, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagbabala ang mga eksperto ng UP-OCTA Research Team sa posibleng biglaang pagtaas sa kaso ng COVID-19 dahil sa nakikitang pagdami ng kaso sa maraming parte ng bansa ngayong katapusan ng Nobyembre.

Sa pagsusuri ng OCTA Research Team, napansin nila ang pagtaas ng kaso sa Metro Manila (373), Calabarzon (338), Central Luzon (185), at Western Visayas (110) sa mga nakalipas na araw.

Nakapagtala naman ang Davao Region ng 114 bagong kaso ngunit mas mababa ito ng 23% kumpara noong nakalipas na linggo na nasa 147 kaso.

Sa kabila nito, positibo ang OCTA Team na kayang kontrolin ito ng pamahalaan lalo na sa patuloy na pagpapatupad ng ‘minimum health standards’.

Ngunit hindi umano dapat magkumpi-yansa ang pamahalaan dahil sa ipinapakita ng mga datos na madaling magbago ang takbo mga kaso sa oras na magkaroon ng bahagyang pagpapabaya ang mga tagapagpatupad ng mga polisiya.

Tinukoy ng grupo na ‘high-risk’ ang Makati City sa Metro Manila, Baguio City, Lucena City, Batangas City, Capas sa Tarlac, Davao City at Pagadian City.

Experts nagbabala sa biglaang pagsipa ng COVID-19 cases

Danilo Garcia

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with