Bakuna sa 60 milyong Pinoy aabutin ng 3-5 taon
Sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr.na 20M-30M lang ang kayang mabigyan ng bakuna sa loob ng isang taon at titingnan pa rin kung ligtas at epektibo ang bakuna.
STAR/ File

Bakuna sa 60 milyong Pinoy aabutin ng 3-5 taon

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - November 26, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Aabutin pa ng tatlo hanggang limang taon ang pagbabakuna sa nasa 60 milyong Filipino, ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr.

Sinabi ni Galvez na 20M-30M lang ang kayang mabigyan ng bakuna sa loob ng isang taon at titingnan pa rin kung ligtas at epektibo ang bakuna.

Sa 35 milyong Filipino na priority sa vaccine, una sa listahan ang mga health workers, frontliners na mga pulis, sundalo, servicemen, essential workers ng DSWD, DepEd, mga tinatawag na vulnerable communities at mga mahihirap.

Uunahin din ang mga nasa pinaka-apektadong lugar katulad ng National Capital Region, Region IV-A, Region III, Cebu, Davao, at Cagayan de Oro na pawang sentro ng ekonomiya at sobrang naapektuhan ng virus.

Nauna rito, sinabi ni Galvez na kung “realistic scenario” ang pag-uusapan, posibleng mangyari ang COVID-19 mass vaccination sa huling bahagi pa ng 2021 o unang bahagi ng 2022.

Sa ngayon, patuloy ang negosasyon sa pagkukunan ng bakuna kabilang ang China Sinovac, Pfizer, at AstraZeneca.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with