Tiangge, bazaars binalaan ng Malacañang

Inaasahan na kasi ang pagdagsa ng mga mamimili sa mga tiangge at bazaars ngayong nalalapit na Christmas season.
Photo Release

MANILA, Philippines — Nagbabala kahapon ang Malacañang sa mga operators ng mga tiangge at bazaars na maaaring ipasara ang kanilang mga tindahan kung hindi susunod sa minimum public health standards lalo na sa social distancing.

Inaasahan na kasi ang pagdagsa ng mga mamimili sa mga tiangge at bazaars ngayong nalalapit na Christmas season.

Ipinaalala ni Presiden­tial spokesman Harry Ro­que, na noong unang nag­luwag ang ekonomiya ay dinagsa ang mga malls at may mga establisimi-yento na ipinasara ang mga local government units na hindi sumunod sa minimum public health standards.

Mawawalan aniya ng negosyo ang mga hindi magpapanatili ng social distancing o pagkontrol sa mga papasok na tao.

Sinabi rin ni Roque na responsibilidad ng mga LGUs na ipatupad ang health protocols sa kanilang lugar.

Una ng nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko na hindi sasapat ang pagsusuot lamang ng face masks at shields para makaiwas sa COVID-19 kung makiki-pagsiksikan naman sa mga matataong lugar.

Kaugnay ito ng mga larawan ng siksikang mga tao sa Divisoria sa Maynila na tila hindi alintana ang panganib ng virus.

Kung maaari umano ay iwasan ang mga kahalin-tulad na lugar, ipatupad ang physical distancing at alalahanin ang sari-ling kalusugan maging ang kanilang uuwian na pamilya.

Show comments