Pinsala ni âUlyssesâ umakyat na sa P12.9 bilyon
Sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, nasa P8.699 bilyon ang winasak ni Ulysses sa infrastructure at P4.213 bilyon sa agrikultura.
AFP/Ted Aljibe
Pinsala ni ‘Ulysses’ umakyat na sa P12.9 bilyon
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - November 23, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pumalo na sa P12.9 bilyon ang halaga ng pinsala ng Bagyong Ulysses at nagpalubog din sa buong Cagayan.

Sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa P8.699 bilyon ang winasak ni Ulysses sa infrastructure at P4.213 bilyon sa agrikultura.

Ang pinsala sa Ca­gayan Valley ay uma­bot sa P4.960 bilyon sa infrastructure at P1.129 bilyon sa agriculture.

Itinuturing na pa­ngalawa ang bagyong Ulysses sa bagyong Rolly na nag-iwan ng 73 patay.

Lumilitaw din sa datos ng NDRRMC na P17.875 bilyon ang iniwang pinsala ni “Rolly” habang P4.222 bilyon naman si Quinta.

Dahil dito, aabot sa P35 bilyon ang pinsala ng tatlong magkakasunod na bagyo.

Nabatid pa sa NDRRMC na sa Bicol, nasa P168,502 milyon ang sinira ng bagyong Quinta at Rolly habang nasa P1.377 bilyon ang sinira sa agrikultura at P964.58 milyon sa infrastructure sa Central Luzon.

Nasa 3.7 milyong in­dibiduwal mula sa walong rehiyon ang naapektuhan ng bagyong Ulysses habang nasa 80,166 ang nawalan ng tirahan, supply ng kur­yente at tubig.

ULYSSES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with