PhilHealth, nakapagbayad na ng P700 milyong utang sa Red Cross

Dahil dito, sinabi ni PhilHealth Spokesperson Rey Baleña na aabot na lang sa P377 milyon ang balanse nila sa PRC para sa COVID-19 tests na isinagawa nila para sa pamahalaan.
STAR/File

Nakapagbayad na ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ng kabuuang P700 milyong utang nila sa Philippine Red Cross (PRC).

Dahil dito, sinabi ni PhilHealth Spokesperson Rey Baleña na aabot na lang sa P377 milyon ang balanse nila sa PRC para sa COVID-19 tests na isinagawa nila para sa pamahalaan.

Maglalabas na lamang aniya ang ahensiya ng P100 milyon kada linggo upang i-settle at matapos nilang bayaran lahat ang kanilang utang sa PRC.

Nagpasalamat rin naman si Baleña sa PRC matapos na ipagpatuloy agad ang pagsasagawa ng testing operations para sa pamahalaan.

Matatandaang nagpasya ang PRC na itigil ang COVID-19 swab tests na charged sa PhilHealth, kabilang dito ang para sa mga umuuwing OFWs sa bansa, dahil sa may P1 bilyong utang nila.

Ang PRC ang nagsasagawa ng 30% ng total COVID-19 tests na isinasagawa sa bansa.

Show comments