^

Bansa

Publiko pinag-iingat vs leptospirosis

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko na iwasang lumusong sa baha lalo na ngayong tag-ulan at pananalasa ng bagyo upang hindi tamaan ng leptospirosis.

Sinabi ni Dr. Beverly Ho, DOH Director for Promotion and Communication Service, na ngayong panahon na madalas ang pag-ulan at mga bagyong pumapasok sa bansa, dapat tiyakin ng mga mamamayan na huwag nang lumusong sa baha kung may open wounds o anumang sugat na maaring pasukin ng bakterya mula sa ihi ng daga na tinatawag na leptospira.

Kung hindi maiiwasan ang paglusong sa baha ay makabubuting gumamit ng protective gear gaya ng bota at kaagad na hugasan ng tubig at sabon ang bahagi ng katawan na nababad sa baha.

“If ever that happens, please reach out to your health care provider so that you might be provided with necessary post-exposure prophylaxis kung kinakaila­ngan,” ani Ho sa isang online forum.

Kabilang sa sintomas ng leptospirosis na dapat bantayan ay ang lagnat, pananakit ng kalamnan at ulo, at pamumula ng mata.

Paalala pa ng DOH, ang malalang kaso ng leptospirosis ay maaaring magdulot ng pinsala sa atay, bato at utak na maaaring magresulta sa kamatayan, kung ‘di maaagapan.

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with