3 gamot tinanggal sa âclinical trialâ ng WHO
Sa talaan ng DOH, nasa 1,146 pasyente na ang na-recruit ng pamahalaan para sa solidarity trial nitong Oktubre 12. Nasa 588 sa kanila ay nasa mga pampublikong pagamutan habang 558 naman sa mga pribadong ospital.
AFP/Andrew Caballero-Reynolds
3 gamot tinanggal sa ‘clinical trial’ ng WHO
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Itinigil na ng Department of Health (DOH) ang pag-recruit ng mga pasyenteng sasali sa ‘solidarity clinical trial’ para sa tatlong gamot na tinang-gal na sa listahan ng World Health Organization (WHO) makaraang mapatunayan na hindi epektibo laban sa COVID-19.

Kabilang sa mga ti­nanggal ang anti-cancer  na gamot na interferon maging ang hydroxychloroquine at lopinavir/ritonavir.

Sa kabila nito, isang anti-cancer na gamot na acalabrutinib ang bagong idinagdag ng WHO para isailalim sa trials kasama ang remdesivir.

Ang acalabrutinib ay isang gamot na gamit sa Myelofibrosis, Ovarian Cancer, multiple Myeloma at Hodgkin Lymphoma. Ginagamit rin ito sa ‘respiratory distress’ at pagpapalakas sa ‘immune response’ ng mga pasyente.

Sa talaan ng DOH, nasa 1,146 pasyente na ang na-recruit ng pamahalaan para sa solidarity trial nitong Oktubre 12. Nasa 588 sa kanila ay nasa mga pampublikong pagamutan habang 558 naman sa mga pribadong ospital.

WHO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with