COVID-19 safe evacuation centers sa mga biktima ng typhoon Quinta, tiyakin - Bong Go

MANILA, Philippines  — Tiniyak ni Senator Christopher “Bong” Go sa mga naapektuhan ng bagyong “Quinta” na naka-monitor si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang kalagayan at ang lahat ng makinarya ng pamahalan ay nakahanda para rumesponde at magbigay sa kanila ng iba’t ibang ayuda.

Sa isang TV interview, sinabi ni Go na ang lahat ng government agencies ay nakahanda para umasiste sa mga apektadong komunidad, kinabibilangan ng search and rescue, agad na pagre-repair sa mga nawasak na imprastraktura, pamamahagi ng relief goods at mga gamot, pagsasaayos ng mga nawalang elektrisidad at marami pa.

“Ako po’y nananawagan sa lahat ng ahensya ng gobyerno, especially sa mga regional offices, na dapat lagi tayong handa na tumugon agad sa mga pangangailangan ng mga kababayan natin,” giit ni Go.

Hiniling naman niya sa mga naapektuhan ng bagyo na makinig sa mga tamang impormas­yon at sumunod sa health protocols na ipina­tutu-pad ng kanilang local officials.

Bilang tagapangulo ng Senate committee on health, hiniling ni Sen. Go sa gobyerno at mga kinauukulang ahensiya na tiyakin na ang mga pinagdadalhang evacuation centers sa mga biktima ng bagyo ay ligtas sa  COVID-19.

“Siguraduhin nating hindi magkakahawa-han po ng COVID-19 sa mga evacuation centers, lalung-lalo na  po ‘yung mga bata,” aniya.

Show comments