Seniors na 66-anyos pataas bawal pa ring lumabas
Ginawa ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang pahayag matapos umapela si Senior Citizen Partylist Rep. Ompong Ordanes kay Pangulong Rodrigo Duterte na isama ang senior citizen na may edad na hanggang 70 years old sa listahan ng mga maaaring payagang lumabas ng bahay.
Philstar.com/Era Christ R. Baylon
Seniors na 66-anyos pataas bawal pa ring lumabas
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - October 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nilinaw kahapon ng Malacañang na hindi pa rin pinapayagang lumabas ang mga senior citizens na 66 taong gulang pataas maliban na lamang kung pupunta sila sa Boracay o kaya ay may trabaho o bibili ng pangunahing pangangailangan.

Ginawa ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang pahayag matapos umapela si Senior Citizen Partylist Rep. Ompong Ordanes kay Pangulong Rodrigo Duterte na isama ang senior citizen na may edad na hanggang 70 years old sa listahan ng mga maaaring payagang lumabas ng bahay.

Ayon kay Roque, dapat manatiling “homeliners” ang mga senior citizens dahil delikado siya kapag tinamaan ng COViD-19.   

Mataas aniya ang fatality rate ng mga matatandang nagkakaroon ng virus.

Ipinaalala ni Roque na maaari namang lumabas pero para lamang sa pagkuha ng mga pangunahing pangangailangan.

Puwede rin aniya kung pupunta sa Boracay dahil walang age restriction sa pagbiyahe sa nasabing tourist spot.

SENIOR CITIZENS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with