Metro Manila, 6 pang lugar, GCQ hanggang ika-30 ng Nobyembre
Tinitignan muna ang temperatura ng mamimiling ito bago pumasok sa Mega Public Market sa Pasig City dahil sa banta ng COVID-19, ika-25 ng Agosto, 2020
The STAR/Boy Santos, File
Metro Manila, 6 pang lugar, GCQ hanggang ika-30 ng Nobyembre
James Relativo (Philstar.com) - October 26, 2020 - 9:00pm

MANILA, Philippines — Muling ilalagay sa maluwag-luwag na general community quarantine (GCQ) ang Kalakhang Maynila nang [insert days here] bilang tugon ng gobyerno sa hindi pa rin matigil-tigil na coronavirus disease (COVID-19).

'Yan ang inanunsyo kasabay ng talumpating ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte, Lunes, kasama ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Kasama ring ilalagay sa GCQ ang sumusunod na lugar:

  • Batangas
  • Lanao del Sur
  • Lungsod ng Iloilo
  • Lungsod ng Bacolod
  • Lungsod ngTacloban 
  • Lungsod ng Iligan

Kanina lang nang sabihin ni Interior Secretary Eduardo Año na pabor ang mga alkalde ng National Capital Region (NCR) na muling mapalawig ang nasabing klasipikasyon sa kaysa sa  pinakamaluwag na modified general community quarantine (MGCQ).

"We've noticed our citizens are really being careful now. Despite having more transportation options resuming, they still don't go out as much," ani Año sa panayam ng Teleradyo.

"We assume that people are more disciplined now and that they will still follow health protocols."

Mananatili naman sa MGCQ ang mga probinsya gaya ng lugar at mga nalalabing bahagi ng Pilipinas.

Epektibo ang nga naturang klasipikasyon simula ika-1 ng Nobyembre.

Kasalukuyang nasa 371,630 na ang nahahawaan ng kinatatakutang COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa pinakahuling ulat ng Department of Health (DOH) nitong Lunes. Sa bilang na 'yan, patay na ang 7,039.

GENERAL COMMUNITY QUARANTINE MODIFIED GENERAL COMMUNITY QUARANTINE NOVEL CORONAVIRUS RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with