âVaccine czarâ italaga na!
Sinabi ni Senator Ralph Recto na kung maagang matutukoy ang vaccine czar, masisimulan na ang pagtatayo ng “supply-to-syringe cold chain” dahil kailangang ilagay ang bakuna sa freezing temperatures sa tropical na bansa na katulad ng Pilipinas.
Philstar.com/ File
‘Vaccine czar’ italaga na!
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - October 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Iginiit ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na dapat nang pangalanan ang “vaccine czar” na tututok sa importasyon hanggang sa injection ng bakuna para sa COVID-19.

“No time for amateur hour, Palace must name ‘vaccine czar’ who can hurdle ‘importation-to-injection’ obstacles,” ani Recto.

Sinabi ni Recto na kung maagang matutukoy ang vaccine czar, masisimulan na ang pagtatayo ng “supply-to-syringe cold chain” dahil kailangang ilagay ang bakuna sa freezing temperatures sa tropical na bansa na katulad ng Pilipinas.

Ipinaalala ni Recto na  kahit 170 ang candidate vaccines na ginagawa, sinabi ng World Healht Organization (WHO) na aabot lamang sa 2 bil­yong bakuna ang ipapagawa sa pagtatapos ng 2021.

“Ilan ang matitira para sa mga Pilipino? Countries who have sunk billions into their development have firm orders so they are first in line. Pang-ilan tayo sa mahabang linya?” ani Recto.

Nakatitiyak din si Recto na uunahin ng alinmang bansa na makakagawa ng vaccine ang kanilang mga mamamayan o “country first.”

Naniniwala si Recto na sinuman ang mapiling vaccine czar ay dapat may “global stature, excellent connections at diplomatic skills” para matagumpay na makakakuha ng orders.

Hindi aniya dapat ila­gay sa posisyon ang isang OJT.

Isa pa rin aniyang problema na dapat pag­handaan ay kung paano dadalhin ang bakuna sa 110 milyong Filipinos na kapos ang cold transportation at storage facilities.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with