Free Broadband Fiber Upgrades nationwide inilatag ng Globe
Sa kasalukuyan ay nailipat na ng Globe ang mahigit sa 40% ng targeted customers nito sa buong bansa sa mas bago at higher speed network nang libre.
STAR/ File
Free Broadband Fiber Upgrades nationwide inilatag ng Globe
(Pilipino Star Ngayon) - October 23, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Bilang pagtupad sa pangakong patuloy na pagbubutihin ang ka­ni­lang serbisyo, inililipat ng Globe ang broadband network nito mula copper sa fiber para sa mas mahusay na data experience.

Sa kasalukuyan ay nailipat na ng Globe ang mahigit sa 40% ng targeted customers nito sa buong bansa sa mas bago at higher speed network nang libre.

Sa paglipat sa fiber, ang Globe broadband customers ay makararanas ng mas mabilis na speed, mas malaking data, at mas matatag na connection upang tugunan ang luma-laking pangangailangan sa online connectivity sa tahanan dahil mas mara-ming tao ang gumagamit ngayon ng internet para sa trabaho, pag-aaral, en­tertainment at iba pang mga pangangailangan.

Ang fiber connection ay makapagbibigay ng maximum speed na 1Gbps kumpara sa copper ADSL na nagkakaloob lamang ng maximum speed na 15 Mbps.

Ang mas mataas na bandwidth ay nanganga­hulugan na maaaring makapag-download o upload ng malalaking files ng mas mabils, makapag-stream ng high-definition videos at webinars, at magpatakbo ng multiple online programs nang sabay-sabay.

GLOBE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with