Divorce sa Pinas muling itinulak
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - October 23, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Inaasam ni dating House Speaker at 1st District Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez na maging bukas din si Pope Francis sa diborsyo o pagpapawalang bisa ng kasal sa lahat ng bansa sa buong mundo.

Ginawa ni Alvarez ang pahayag matapos suportahan ni Pope Francis ang ‘civil union’ o pag-iisang dibdib ng mga homosexuals na magkapareho ng kasarian na aniya’y maitatala sa kasaysayan ng buong mundo at pruwebang dapat irespeto sa karapatan ng mga taong nagmamahalan.

Sinabi ni Alvarez na ano pa ang halaga ng isang kasal kung nawala na ang pag-ibig sa pagitan ng mag-asawa at apektado na ng hindi magandang relasyon ang mga anak at maging ang katahimikan ng isang tahanan.

Noong 17th Congress ay isinulong ni Alvarez ang House Bill 7303, “An Act Instituting Absolute Divorce and Dissolution of Marriage in the Philippines,” na nakapasa sa huli at ikatlong pagbasa sa Kamara pero nakabinbin sa Senado.

Bagaman kinikilala ang diborsyo sa ibang ban­sa tulad sa Estados Unidos ay hindi ito pinahihintulutan ng Simbahang Katoliko sa pagsasabing ang pinagsama ng Diyos ay hindi maaaring paghiwalayin ng tao. 

PANTALEON ALVAREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with