Barrier sa Angkas, Joyride kailangan - DILG
Paglilinaw naman ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, hindi nila nire-require ang mga pasahero na magkaroon o bumili ng sarili nilang helmet.
STAR/File
Barrier sa Angkas, Joyride kailangan - DILG
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - October 19, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Obligado ang mga driver ng mga motorcycle taxis na Angkas at Joyride na maglagay ng barriers sa kanilang mga sasakyan upang hindi magkaroon ng hawahan ng COVID-19 sa sandaling payagan na silang bumiyahe sa mga susunod na araw.

Paglilinaw naman ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, hindi nila nire-require ang mga pasahero na magkaroon o bumili ng sarili nilang helmet.

Gayunman, highly-encouraged o mas makabubuti aniya kung may dalang sariling helmet ang mga pasahero para na rin sa kanilang sariling kaligtasan.

“Sa motorcycle taxi ay talagang requirement ‘yung barrier kasi hindi ‘yan magkakakilala e,” ani Año.  “At saka ‘yung paggamit ng helmet, ini-encourage natin ‘yung mga commuters, sana meron kayong sariling helmet para hindi kayo manghihiram.”

Ayon kay Año, maaa­ring pahiramin ng mga motorcycle taxi drivers ng helmet ang kanilang mga pasahero ngunit dapat aniyang tiyakin na na-disinfect mabuti ang helmet dahil maaari itong pagmulan ng virus transmission.

Naniniwala rin si Año na malaking tulong sa mga commuters ang pagpayag na makabiyahe na muli ang mga motorcycle taxis.

Nauna rito, sa isang resolusyon, iniendorso ng Inter-Agency Task Force for the Management of Infectious Diseases (IATF-MEID) sa House Transportation committee na payagan na ang pagpapatuloy ng pilot study sa motorcycle taxis.

DILG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with