Presyo ng agricultural products sa Metro Manila, tumaas
Sa price monitoring reports ng Department of Agriculture (DA), ang prevailing prices para sa iba’t ibang uri ng bigas, karne at gulay ay mataas noong September hanggang October.
Boy Santos
Presyo ng agricultural products sa Metro Manila, tumaas
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - October 11, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tumaas ang presyo ng iba’t ibang agricultural products sa mga pamilihan at palengke sa Metro Manila dulot ng kakaunting suplay na dumarating sa mga pamilihan buhat sa mga lalawigan.

Sa price monitoring reports ng Department of Agriculture (DA), ang prevailing prices para sa iba’t ibang uri ng bigas, karne at gulay ay mataas noong September hanggang October.

Sa 20 prutas at gulay na namonitor ng DA, 11 dito ay may mataas na presyo tulad ng talong, kamatis,  Baguio beans, pechay, pula at puting sibuyas, bawang, saging, papaya at mangga.

Sa produktong karne, ang presyo ng  pork ham ay tumaas ng 13 percent at ang pork belly ay tumaas ng 15 percent dahil naman sa epekto ng African swine fever.

Ang presyo kada kilo ng galunggong ay tumaas sa P200 kada kilo mula sa dating P160 kayat mas pinaboran ng DA na mag-import ng galunggong.

Samantala ang whole chicken ay tumaas sa P140 mula sa P130 kada kilo.

Ang imported special at premium rice ay tumaas ng P2 per kilo, habang ang local regular milled rice ay P42 mula P40 kada kilo.

Sa ngayon ang may mababang presyo lamang ay ang isdang bangus, karne ng baka, brisket, kalabasa, repolyo, carrots, luya, sili at kalamansi.

DA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with