Rehab ng Manila Bay tatapusin - Malacañang
“Iyong budget po kasi diyan, hindi lang siya budget actually for the rich nourishment, it’s actually for the entire program of government in rehabilitating Manila Bay. And as I said, itong pro-ject na ito was proposed two years ago, included in last year’s budget and only being implemented,” paliwanag ni Presidential Spokesperson Roque.
Edd Gumban
Rehab ng Manila Bay tatapusin - Malacañang
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - October 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ng Malacañang na tuloy ang rehabilitasyon sa Manila Bay kahit pa nabatikos ang nagastos sa paglalagay ng dolomite sands upang magmukhang pu-ting buhangin.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kailangang tapusin ang nasimulang proyekto at hindi maaa-ring gamitin ang pondo sa COVID-19 response.

Ginawa ni Roque ang pahayag matapos ma­tanong tungkol sa si­nabi ng mga eksperto mula sa University of the Philippines Marine Science Institute na mahal ang Manila Re­habilitation Project na hindi naman tutugon sa problema ng Manila Bay.

May mga nagsasabi na dapat ginamit na lamang sa COVID-19 response ang pondo kaysa ipinambili ng dolomite sands.

Ayon kay Roque, ang pondo ay para sa rehabilitasyon na ipinanukala dalawang taon na ang nakakaraan.

“Iyong budget po kasi diyan, hindi lang siya budget actually for the rich nourishment, it’s actually for the entire program of government in rehabilitating Manila Bay. And as I said, itong pro-ject na ito was proposed two years ago, included in last year’s budget and only being implemented,” paliwanag ni Roque.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with