Saliva testing isinailalim na sa pag-aaral
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na may nagprisinta sa kanila na mga health experts sa paggamit ng laway.
The STAR/Michael Varcas, file
Saliva testing isinailalim na sa pag-aaral
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 1, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isinailalim na ng Department of Health (DOH) sa pag-aaral ang paggamit ng laway sa COVID-19 testing tulad ng ginawa ng Japan.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na may nagprisinta sa kanila na mga health experts sa paggamit ng laway.

Una ay ginagamit itong specimen na hahalili sa kinukuhang sampol sa lalamunan o ilong para sa RT-PCR test at ikalawa ay direktang pagsasailalim nito sa testing.

May sarili na ring pag-aaral ang Philippine Red Cross (PRC) ukol dito ha­bang matagal na ring isinasailalim sa ‘laboratory analysis’ ang saliva testing sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Ang pag-aaral kung magagamit ang laway sa RT-PCR test ay upang mas madali ang proseso ng pagsasailalim sa test ng mga pasyente kaysa sa pagkuha ng sampol sa ilong o lalamunan.

Samantala, kinumpirma ni Vergeire na bumagsak sa pamantayan ang SD Biosensor antigen test kits na mula sa Korea sa ginawang ‘diagnostic performance’ ng DOH.

Mula sa pamantayan ng World Health Organization (WHO) na kaila-ngang may 80% sensi­tivity at 90% specifity ang isang antigen test kit, na­kapagtala lamang ang SD Biosensor ng 71% sensitivity.

COVID-19 TESTING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with