1 buwang GCQ uli sa Metro Manila

MANILA, Philippines — Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Tas for the Management of Emerging Infectious Diseases na manatili angMetro Manila sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) mula Oktubre 1 hanggang 31.

Bukod sa Metro Manila, iiral din ang GCQ sa Batangas, Tacloban City, Bacolod City, Iligan City at Iloilo City.

Inilagay naman sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Lanao del Sur kabilang ang Marawi City sa loob ng isang buwan. Maliban sa mga nabanggit na lugar, ang buong bansa ay nasa ilalim na ng modified general community quarantine.

Noong Lunes ay napaulat na nasa 307,288 ang kaso ng COVID-19 sa bansa, 5,381 ang namatay at 252,665 ang gumaling.

Related video:

Show comments