^

Bansa

Pagtanggal ng FB sa 'pekeng' accounts kontra free speech, giit ni Roque

Philstar.com
Pagtanggal ng FB sa 'pekeng' accounts kontra free speech, giit ni Roque
Makikitang sa background ang log-in page ng social media giant na Facebook sa isang mobile phone
AFP, File

MANILA, Philippines — Kahit napatunayang "peke" at nagsasagawa ng mga coordinated "inauthentic" behavior online, ipinagtanggol ng Palasyo ang ilang pro-government Facebook pages at accounts na tinanggal ng social networking site — sa pagkakataong ito, gamit ang kalayaan sa pamamahayag.

Ito ang tugon ni presidential spokesperson Harry Roque sa media, Martes, kaugnay ng paghihimutok ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-takedown ng kumpanya sa mga accounts at pages na diumano'y pinatatakbo ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) — bagay na napatunayang nagkakalat ng fake news at redtagging sa mga aktibista.

Basahin: Duterte nagbanta laban sa operasyon ng Facebook sa Pilipinas

May kinalaman: Facebook takes down Chinese, Philippine networks due to 'coordinated inauthentic behavior'

"Because we believe in freedom of speech. They may use as justification 'inauthentic behavior,' but the effect is censorship. Kasi 'yung ideya na laman ng page na 'yon, nabura," wika ni Roque sa isang virtual briefing.

"I encourage 'yung mga grupo na pro-government, pumunta ho kayo sa hukuman at tignan natin kung ano ang ruling ng ating hukuman."

Ang 'inauthentic behavior' ay ang paggamit ng pekeng pangalan o pagkakakilanlan sa Facebook. Ang 'coordinated inauthentic behavior' ay ang paggawa nito sa maraming account "working in concert to engage in inauthentic behavior, where the use of fake accounts is central to the operation."

Hindi regulasyon ng content o nilalaman

Ilan sa mga hinikayat ni Roque na magsampa ng kaso ay ang grupong Hands Off Our Children — isang samahan ng mga magulang na bumabanat sa mga ligal na aktibista dahil sa diumano'y pagrerekluta sa kanilang mga anak sa rebeldeng New People's Army (NPA).

Ipinagpilitan pa ni Roque na ang mismong nilalaman ng mensahe ng mga pages at accounts ang dahilan ng pagkakatanggal ng nito sa Facebook, bagay na iligal daw dahil "unconstitutional" ang content-based censorship.

Nang tanungin naman ang tagapagsalita ni Duterte kung saklaw ng protected speech ang mga fake at troll pages, hindi siya nakasagot at iniba ang topic.

"[H]indi nila sinasabi na nagpapakalat ng fake news 'yan. Ang sinasabi nila, inauthentic behavior. So hindi isyu ngayon ang fake news... Ang isyu rito ay ano ang epekto ng pagtatanggal ng pages na 'yan," dagdag pa niya.

"Perhaps what they refer to as 'coordinated inauthentic behavior' would be a form of symbolic speech too."

Kahit na nagsagawa na ng pag-aaral ang mga ekperto ng Facebook kung kaya't tinawag na "inauthentic" ang kanilang mga aktibidades sa cyberspace, ayaw munang tanggapin ng Malacañang na pekeng accounts talaga ang mga natanggal sa dahilang wala silang kopya ng mga datos.

Kagabi nang tila magpasaring si Duterte hinggil sa posibilidad ng pagpapatigil sa operasyon ng Facebook sa Pilipinas dahil sa mga kaganapang ito. Gayunpaman, sinabi ng Palasyo na nais lang daw makausap ni Digong ang kumpanya lalo na't pinagbabawalan daw nito ang mga adbokasiya nito sa kanilang platform. — James Relativo

vuukle comment

FACEBOOK

HARRY ROQUE

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with