Duterte kuntento kay Cayetano â Roque
“Ang katotohanan po, and I speak for the President, wala pong frustrations si Presidente kay Speaker Cayetano. In fact, sinabi rin po niya na ‘Talagang close ako kay Alan,” wika ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang panayam sa Mindavote, isang online outlet.
KJ Rosales, file
Duterte kuntento kay Cayetano – Roque
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - September 28, 2020 - 12:00am

Nakukulangan kay Velasco

MANILA, Philippines — Kuntento na umano si Pangulong Rodrigo Duterte kay Speaker Alan Peter Cayetano sa kanyang pagganap sa tungkulin bilang pinuno ng Mababang Kapulungan, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

“Ang katotohanan po, and I speak for the President, wala pong frustrations si Presidente kay Speaker Cayetano. In fact, sinabi rin po niya na ‘Talagang close ako kay Alan,” wika ni Roque sa isang panayam sa Mindavote, isang online outlet.

Sinabi ni Roque na tila hindi napapanahon ang pagpapalit ng liderato sa Kongreso lalo na kung mapupunta lamang ito sa mga baguhan at walang sapat na karanasan at track record.

Ayon kay Roque, masaya ang Pangulo dahil sa ilalim ng pamumuno ni Cayetano ay mabilis na naipasa ang pambansang budget para sa 2020 at mabilis na pagpasa sa mga batas tulad ng Bayanihan 1 at Bayanihan 2 na kinakailangan para labanan ang COVID-19.

Maging ang mga reve­nue-generating at tax reform bills na prayoridad ng Pangulo ay mabilis na naaksyunan ng Kamara, dagdag pa ni Roque.

“Kung ikaw ay Presidente at natikman mo na kung paano nangyari ‘yung isang taon na iba ang Speaker at hindi naipasa ang budget, at nagkaroon tayo ng reenacted budget na naging dahilan kung bakit humina ang paglaki ng ekonomiya, siyempre mabibigyan mo ng importansiya ‘yung nakaka-deliver sa pangangaila­ngan ng administrasyon,” wika niya.

Nang tanungin siya tungkol sa opinyon ng Palasyo kay Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na siyang nakatakdang pumalit kay Cayetano sa ilalim ng kanilang term-sharing agreement, sinabi ni Roque na maaaring magkaroon ng problema si Velasco dahil sa kakula­ngan nito ng karanasan at hindi sapat na track record, lalo na at kinakailangan ito upang makagawa ng pagkakasunduan sa mga miyembro ng Kongreso.

Ayon din kay Roque, tila hindi rin gaanong kilala ng Pangulo si Velasco, lalo na noong nag-uumpisa pa lamang ang termino nito.

“Kung wala kang ganyang experience kung paano mo makakabuo ng consensus, e mahihirapan,” sabi niya.

ALAN PETER CAYETANO RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with