^

Bansa

UV disinfection lights nakaka-cancer - DOH

Ludy Bermudo, Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
UV disinfection lights nakaka-cancer - DOH
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergerie na may mga lumabas na pag-aaral na nagsasabing ang labis na exposure sa UV light ay nakakasama sa kalusugan.
PCOO, file

MANILA, Philippines — Nagbabala ang Department of Health sa publiko laban sa sobrang paggamit ng UV disinfection light bilang pangontra sa COVID-19 dahil posibleng magdulot ito ng cancer.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergerie na may mga lumabas na pag-aaral na nagsasabing ang labis na exposure sa UV light ay nakakasama sa kalusugan.

Ayon pa kay Vergerie, bukod sa posibleng magdulot ng cancer, maaari ring mamula ang balat at maapektuhan ang mata kung tatagal sa 60 minuto ang exposure sa UV light.

“And mayroon pong mga lumalabas, mga lumabas na mga stu­dies na halimbawa, na-expose po kayo kahit 60 minutes or mayroon ding sinabi ng isang study for hours, nakikita po na nagkakaroon ng pamumula ng balat, maaaring maapektuhan ang mata and of course prolonged exposure to this can be harmful also, because it is carcinoge­nic. Ibig sabihin, it might cause cancer also,” ani Vergerie.

Sinabi ni Vergeire na dapat lamang mag-ingat ang mga gumagamit ng UV light at ikonsidera ang sinasabi ng mga eksperto.

Ipinunto rin ni Vergeire na wala pang sapat na ebidensiya na nagsasabi na ang UV light ay maaring pumatay ng SARS COVID 2 virus.

Bagaman at matagal na aniyang ginagamit ang UV light bilang isang procedure sa disinfection sa mga health facilities pero mga trained o bihasa na ang mga gumagamit nito.

vuukle comment

UV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with