^

Bansa

Maagang pagboto ng 10 million seniors, PWDs isinulong

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isinulong ni Sen. So­nny Angara na makaboto ng maaga sa susunod na eleksiyon ang nasa 10 milyong senior citizens at persons with disabilities (PWDs) upang matiyak ang kanilang kaligtasan mula sa COVID-19 pandemic.

Nangangamba si Angara na mas lalong mababawasan ang mga seniors at PWDs na lalahok sa halalan dahil sa panganib sa kanilang kalusugan.

Kabilang aniya sa mga problemang kinakaharap ng mga seniors at PWDs tuwing may halalan ang pagpunta at pagpila sa mga presinto.

Naniniwala rin si Angara na mas magiging mabilis din ang pagboto at mababawasan ang pila kung mauunang bumoto ang mga seniors at PWDs sa hiwalay na araw.

Bukod sa maagang pagboto ng mga seniors at PWDs, pinatitingnan din ni Angara sa Commission on Elections ang posibilidad na magkaroon sila ng mas accessible na mga polling places na hindi na kailangang umakyat ng hagdan.

vuukle comment

PWDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with