^

Bansa

COVID-19 cases sa 'Pinas humataw sa 296,755 nang madagdagan ng 2,180

James Relativo - Philstar.com
COVID-19 cases sa 'Pinas humataw sa 296,755 nang madagdagan ng 2,180
Sumasailalim sa COVID-19 rapid serology test ang pasyenteng ito, ika-27 ng Hulyo
The STAR/Edd Gumban,

MANILA, Philippines — Walang tigil pa rin ang pagpasok ng sariwang coronavirus disease (COVID-19) infections sa bansa sakto isang linggo bago magpalit ng quarantine restrictions sa Pilipinas.

Umabot na kasi sa 296,755 ang dinadapuan ng COVID-19 sa bansa ayon sa pinakahuling ulat ng Department of Health (DOH), pagkaraang mapatungan ng sariwang 2,180 cases.

Karamihan sa mga new cases ay natagpuan sa mga sumusunod na lugar sa arkipelago:

  • National Capital Region (802)
  • Laguna (292)
  • Batangas (152)
  • Cavite (144)
  • Negros Occidental (87)

LOOK: DOH COVID-19 CASE BULLETIN #194 As of 4PM today, September 24, 2020, the Department of Health reports the total...

Posted by Department of Health (Philippines) on Thursday, September 24, 2020

Nakuha ang mga nasabing datos matapos makapagsagawa ng COVID-19 testing sa mahigit 3.30 milyong katao. Pero kahit maraming na-test, siyam na laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng kanilang mga resulta ngayong hapon.

"Sixteen duplicates were removed from the total case count. Of these, seven were recovered cases," paliwanag naman ng DOH sa isang pahayg hinggil sa ilang discrepancy sa mga lumang numero.

"Moreover, 18 cases previously tagged as recovered were reclassified to deaths (17) and an active (1) case."

Samantala, nasa 59,700 na lang ang mga active COVID-19 cases sa ngayon — bagay na tumutukoy sa mga pasyenteng hindi pa gumagaling o namamatay sa SARS-CoV-2 virus.

Patay naman sa sakit ang 36 pang pasyente, dahilan para sumampa na sa 5,127 ang kabuuang COVID-19 deaths sa Pilipinas.

Sa kabutihang palad, mas nakararami pa rin riyan ang bilang ng mga nakaliligtas sa kinatatakutang sakit, matapos nitong pumalo sa 231,928 ngayong araw.

WHO nagbabala sa pagkalat ng maling impormasyon

Samantala, nagbabala naman si World Health Organization (WHO) director-general Tedros Adhanom sa pagkalat, hindi lang ng virus, kung hindi pati na rin ang mga mali-maling impormasyon sa COVID-19 — bagay na maaaring nakapagpapalala pa raw sa sitwasyon.

"[T]hey can be just as dangerous. Far too many people have done themselves harm based on falsehoods, self-medicating with toxic chemicals or dangerous medications," ani Adhanom.

"Misinformation also has an impact on trust — trust in science, trust in institutions, and trust in health systems."

Kaugnay niyan, una nang pinaratangan ng "medical populisim" ng medical journal na The Lancet ang mga gaya ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kanilang "pagmamaliit" diumano sa pandemya at pagpapakalat ng mga fake news hinggil dito.

Ilan daw ito sa dahilan kung bakit ika-66 sa kabuuang 91 bansa ang Pilipinas pagdating sa COVID-19 response.

Sa ngayon, 31.42 milyon na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo. Sa bilang na 'yan, 967,164 na ang binabawian ng buhay, ayon sa WHO.

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with