Duterte sa UN: Lahat ng bansa dapat magkaroon ng bakuna vs COVID-19

MANILA, Philippines — Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa United Nations General Assembly na dapat magkaroon ng bakuna kontra COVID- 19 ang lahat ng bansa.

Sa kaniyang virtual speech sa UNGA, sinabi nito na habang maraming bansa ang nagkukumahog na makagawa ng bakuna laban sa COVID-19 ay dapat maging available ito sa mga mahihirap na bansa gaya ng Pilipinas.

“The world is in the race to find a safe and effective vaccine. When the world finds that vaccine, access to it must not be denied nor withheld. It should be made available to all, rich and poor nations alike, as a matter of policy,” saad nito sa UN convention.

Ayon pa sa Pangulo, ang pandemyang ito ay “biggest test” kasunod ng World War 2.

Mahalaga anya ngayon na magtulung-tulong ang mga bansa para malaba-nan ang pandemic na nananalasa sa buong mundo.

Ayon pa sa Pangulo, walang kinikilalang natio-nality, lahi, gender at edad ang COVID-19.

Related video:

Show comments