^

Bansa

Lifestyle check sa public officials ipinatigil ng Ombudsman

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Lifestyle check sa public officials ipinatigil ng Ombudsman
Sinabi ni Ombudsman Samuel Martires na mas nais niyang maamyendahan ng Kongreso ang RA 6713 na nagpapatupad ng lifestyle check dahil may ilang probisyon nito ay malabo at walang hulog sa logic.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Ipinatigil ni Ombudsman Samuel Martires ang pagsasagawa ng  lifestyle check sa mga public officials dahil hindi naman nito mapapatunayan ang pagiging korap ng isang opisyales ng gobyerno.

Sinabi ni Martires na mas nais niyang maamyendahan ng Kongreso ang RA 6713 na nagpapatupad ng lifestyle check dahil may ilang probisyon nito ay malabo at walang hulog sa logic.

“Bakit ko pinatigil? What is living beyond your means? Iyong kumikita ng P50,000 a month, lives in a small house, nakaipon, bumili ng BMW na promo, zero interest, kayang-kaya niya hulugan, is he living beyond his means? I don’t think so. What he has are distorted values and distorted priorities,” dagdag ni Martires.

Ang pahayag ay sinabi ni Martires tatlong linggo makaraang pagbawalan niya ang pag-access ng publiko sa Statements of Assets, Liabilities and Net worth (SALN) ng mga public officials  na naisampa sa Ombudsman.

“Anong pakialam natin? Bakit natin siya huhusgahan na bumili ng BMW kahit ang bahay niya walang paradahan? Anong pakia-lam natin sa buhay ng may buhay kung hindi naman siya nagnanakaw? We have to redefine what is living beyond your means. What is simple living to me may not be simple living to you or anyone,” sabi pa ni Martires.

Niliwanag din nito na ang  SALN ay hindi maa-ring magamit sa pagsasakdal sa kasong katiwalian.

“Saan ba gagamitin ang SALN? Ginagamit  lang ang SALN para siraan ang opisyal ng pamahalaan,” sinabi pa ni Martires.

Related video:

vuukle comment

SAMUEL MARTIRES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with