^

Bansa

President Duterte bumanat kay Vice President Robredo

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
President Duterte bumanat kay Vice President Robredo
Binanggit din ng Pangulong Rodrigo Dutert na huwag maniwala sa mga dilawan pati na kay Vice President Leni Robredo na “kung anu-anong pinagsasabi” sa gobyerno.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Muling binuweltahan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo na diumano’y nakukulangan sa ginagawa ng gobyerno para tugunan ang problema ng COVID-19.

Tinanong ng Pangulo kung ano pa ang kulang gayong may mga ospital, kama at punerarya naman.

Sinabi ng Pangulo na nasa hangin lamang ang virus kaya kailangang magsuot ng face mask at face shield.

Muli ring ikinumpara ng Pangulo ang Pilipinas sa isang lumulutang na barko na walang magawa hangga’t walang vaccine.

Binanggit din ng Pa-ngulo na huwag maniwala sa mga dilawan pati na kay Robredo na “kung anu-anong pinagsasabi” sa gobyerno.

“‘Wag ho kayong maniwala diyan. Sus, itong mga dilawan. Lalo na, I hate to mention her name, itong si Leni kung anu-ano ang pinagsasabi,” ani Duterte.

Kung gusto anya ni Robredo ay ispreyan na lang ng pesticide ang Pilipinas o Maynila galing sa eroplano para mamatay lahat.

Sinabi rin ni Duterte na hindi dapat pinapalaki ang problema ngayong may pandemic at dapat iwasan ang mga “reckless statements” na hindi sapat ang ginagawa ng gobyerno.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with