Publiko pinag-iingat sa UV lights vs COVID-19
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - September 23, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang publiko sa walang-disiplinang paggamit ng UV (ultra-violet) lights sa pag-disinfect dahil sa maaaring may masama rin itong epekto sa kalusugan ng tao.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na maaaring makaapekto sa kalusugan ng tao ang UV lights kung madalas ang paggamit at kung matagal ang pagkakalantad dito.

“Ito ay maaaring maka-apekto sa ating mga mata and can even — doon sa severe na exposure — maaaring masira ang cornea ng mata ng isang tao. Pangalawa, maaaring makasunog ng balat. Pa-ngatlo, meron din ho syang effect sa respiratory system sa matagalang paggamit,” ayon kay Vergeire.

Patunay nito ang de­mons­trasyon sa Baguio City na ginamit ang UV lights sa disinfection na nagresul-ta sa pagkakairita ng mata ng mga taong naroroon.

Sinabi rin ng opis-yal na wala pa namang ebidensya na nagpapatunay na nakakatulong para mapatay ng UV lights ang COVID-19.

Ngunit inamin din ni Vergeire na matagal nang ginagamit ang UV lights sa pag-disinfect sa mga ospital. Pero kailangan na may sapat na pagsasanay at kaalaman ang sinuman na gagamit nito sa kanilang tahanan o sa iba pang establisimiyento dahil baka ito ay magkaroon ng harmful effect sa katawan ng tao.

DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with