SUCs para sa Pinoy students lang

MANILA, Philippines — Umalma ang mga senador sa ulat ng Commission on Higher Education (CHED) na mayroong mga dayuhang estudyante na nag-aaral sa mga medical school ng ilang state universities and colleges (SUCs) sa bansa.

Sa budget hearing ng Senado para sa 2021, sinabi ni CHED Chairperson Prospero de Vera na pinapayagan ito ng board of regent ng ilang SUC bagama’t tutol siya dahil pera ng taumbayan ang ginagamit dito.

Kahit nagbabayad din umano ng tuition fees ang mga dayuhang estud-yante ay gumagamit pa rin sila ng mga pasilidad ng mga eskwelahan na dapat ay para lang sa mga Pinoy na mag-aaral.

Ayon kay Senate Mino-rity leader Franklin Drilon, hindi lang sa medical school na SUCs dapat higpitan na ipagbawal ng mga foreign students kundi maging sa kabuuan ng mga SUCs dahil ginagastusan ito lahat ng pondo ng gobyerno.

Iginiit din nina Sens. Sherwin Gatchalian at Cynthia Villar na limitado lang ang mga pasilidad ng mga SUCs at pinopondohan ito ng pamahalaan kaya dapat ay eksklusibo lang ito sa mga Pinoy na estudyante.

Para naman kay Sen. Imee Marcos, agresibo sila sa Senado para ma­dagdagan ang budget para sa pagpapatayo sa mga medical school kaya hindi ang mga foreigner ang dapat makikinabang ditto.

Show comments