^

Bansa

COVID-19 cases sa bansa lampas 290,000 na, patay halos 5,000

James Relativo - Philstar.com
COVID-19 cases sa bansa lampas 290,000 na, patay halos 5,000
Kuha ng mga turistang bumuhos sa Baywalk ng Manila Bay nitong weekend matapos buksan ang look na tinambakan ng durog na "dolomite," bagay na ginamit bilang synthetic white sand.
The STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Tuloy-tuloy pa rin ang trend ng pag-akyat ng coronavirus disease (COVID-19) infections sa bansa sa pagpasok nito sa ika-28 linggo ng quarantine.

Umabot na kasi sa 290,190 ang kumpirmadong kaso ng nasabing virus sa bansa matapos makapagtala ng karagdagang 3,475 cases ngayong hapon.

Sumabit na riyan ang tally ng Department of Health (DOH) matapos makapaglunsad ng tests sa halos 3.2 milyong indibidwal. Sa kabila niyan, siyam na laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng kani-kanilang resulta, Lunes.

"[Over] 28 duplicates were removed from the total case count. Of these, 19 were recovered cases," paliwanag pa ng kagawaran sa media.

"Moreover, 13 cases previously reported as recovered were reclassified as death (12) and active (1) cases after final validation."

Kalakhan sa mga sariwang bilang ay produkto ng mga sumusunod na probinsya't rehiyon sa Pilipinas:

  • National Capital Region (1,543)
  • Batangas (194)
  • Rizal (192)
  • Cavite (166)
  • Cebu (165)

LOOK: DOH COVID-19 CASE BULLETIN #191 As of 4PM today, September 21, 2020, the Department of Health reports the total...

Posted by Department of Health (Philippines) on Monday, September 21, 2020

Pero hindi lahat ng bilang na 'yan ay may COVID-19 pa sa ngayon. Ang ilan ay gumaling na o 'di kaya't namatay na. 54,958 na lang tuloy ang nalalabing "active cases" sa mga 'yan.

Sa kasamaang-palad, nasawi habang nakikipaglaban sa kinatatakurang sakit ang 15 pang kaso, dahilan para pumatak na sa 4,999 ang total local COVID-19 casualties.

Ligtas naman na sa panganib ang 230,233 pasyente sa ngayon. Mas marami 'yan nang 400 kumpara sa bilang kahapon.

Halos halakati naman ng global "case fatality rate" (3.07%) ang tantos na naitala sa Pilipinas, bagay na napanatag sa 1.72%.

Tumutukoy ang porsyentong 'yan sa mga taong namamatay sa COVID-19 kung ikukumpara sa lahat ng taong nahawaan nito sa isang takdang panahon.

Sa kabila niyan, "needs improvement" pa rin ang bansa pagdating sa positivity rate, lalo na't 10.47% ng mga taong tine-test para sa virus ang nakakakitaan ng naturang karamdaman. Kulang-kulang dalawang beses na mas mataas 'yan sa average positivity rate sa buong mundo, na nasa mahigit 5% lang.

Halos 30.7 milyon na lahat-lahat ang dinadapuan ng COVID-19 sa buong mundo, ayon sa huling datos ng World Health Organization (WHO). Sa kabilang banda, sumakabilang-buhay na ang 954,417 sa kanila.

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with