89 barangay executives sinuspinde ng Ombudsman
Inatasan na ni DILG Secretary Eduardo M. Año ang mga municipal at city mayors na agad ipatupad ang kautusan ng Ombudsman.
Michael Varcas, file
89 barangay executives sinuspinde ng Ombudsman
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - September 13, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasa 89 na punong barangay sa bansa ang pinatawan ng anim na buwang suspension ng Office of the Ombudsman dahil sa anomalya sa pamamahagi ng unang bugso ng Social Amelioration Program (SAP).

Ang mass suspension ay kaugnay sa isinampang reklamo ng Department of the Interior and Local Go­vernment (DILG) sa naturang mga barangay chairman.

Dahil dito, nanganganib na matanggal sa puwesto ang mga ito dahil sa serious dishonesty, grave misconduct, abuse of authority and conduct prejudicial to the best interest of the service.

Inatasan na ni DILG Secretary Eduardo M. Año ang mga municipal at city mayors na agad ipatupad ang kautusan ng Ombudsman.

Pinasalamatan naman ni Ano si Ombudsman Samuel Martires dahil sa mabilis na pag-aksiyon sa reklamo ng DILG, na magsisilbi aniyang babala at paalala sa lahat na hindi kukunsintihin ng departamento ang maling gawain.

Sinabi naman ni DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya na ito ang kauna-unahan sa kasaysayan ng bansa na may nangyaring mass suspension sa mga opisyal ng gobyerno.

Ani Malaya, 447 katao ang sinampahan ng PNP-CIDG ng kasong kriminal dahil sa anomalya sa SAP distribution. Sa naturang bilang, 211 ang halal na lokal at barangay officials, 104 ang appointed barangay officials at 132 ang civilian co-conspirators ng mga ito.

Karamihan sa mga sinuspinde ay mula sa National Capital Region, Region 1 at Region 2.

SAP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with