50K contact tracers pa kukunin – DILG

MANILA, Philippines — Kukuha ang pamahalaan ng 50,000 pang contact tracers sa mga susunod na araw upang makatulong sa layunin ng pamahalaan na tuluyan nang masugpo ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, sa ngayon ay mayroon na silang 238,000 contact tracers ngunit ang karamihan aniya sa mga ito ay mga volunteers at naka-deploy sa mga lugar kung saan sila nagboluntaryo.

“Sa ngayon, meron tayong 238,000 contact tracers. Karamihan dito mga volunteers, augmentation mula sa Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, at Armed Forces of the Philippines,” aniya pa. “Normally, they were deployed kung saan sila nagbo-volunteer.”

Sinabi ng kalihim na ang 50,000 contact tracers na kanilang kukunin ay idedeploy nila sa mga lugar kung saan kinakailangan talaga.

Aniya, 20,000 sa mga ito ay itatalaga sa Luzon; 15,000 sa Visayas; at 15,000 sa Mindanao.

Show comments