^

Bansa

‘Sindikato talaga!’, P17.4 million kontribusyon ng OFWs ibinulsa

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
�Sindikato talaga!�, P17.4 million kontribusyon ng OFWs ibinulsa
Ayon kay Ken Sarmiento, dating Senior Auditing Specialist ng PhilHealth, na noong nakatalaga pa siya sa Operations Office ng PhilHealth sa Philippine Overseas Employment Administration ay nabuking niya na aabot sa P17,416,800 milyong premiums ang kuwestiyonable.
POEA FB Page

MANILA, Philippines — Aabot sa P17.4 mil-yong halaga ng PhilHealth premiums o kontribusyon na kinolekta sa mga overseas Filipino workers ang ibinulsa umano ng “sindikato” sa Philippine Health Insurance Corporation.

Ayon kay Ken Sarmiento, dating Senior Auditing Specialist ng PhilHealth, na noong nakatalaga pa siya sa Operations Office ng PhilHealth sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ay nabuking niya na aabot sa P17,416,800 milyong premiums ang kuwestiyonable.

Aniya, ang mga resibong ibinigay sa mga nagbayad na OFWs ay peke kung saan ang mga ginamit na serial number sa mga resibo ay nagamit na sa mga lehitimong transaksyon.

Ang unang pekeng resibo ay naiulat noong Setyembre 2015 sa OFW na si Rey Calongcong kung saan hindi nairemit ang P2,400 na binayaran ni-tong premiums na dapat ay inisyu sa IEXCEL Manpower Corporation. Nasa 168 pang resibo ng nasabing manpower corporation ang lumitaw na pineke rin.

Samantala noong Setyembre 2018 ay inireport din ng ahensya ang 224 pang mga pinekeng resibo bukod pa sa hinihinalang 868 kaso ng mga peke rin na puro zerox copy at hindi orihinal.

“We learned that 7,257 OFWs hindi napaghulugan ng premiums... Hindi po natanggap ng PhilHealth ‘yung premiums nila,” sabi ni Sarmiento.

“Mayroon po talagang sindikato,” dagdag niya.

“Mayroon pong nagre-recruit sa kanila para i-distribute ‘yung fake receipts sa OFWs at ‘yung hatian, out of the P2,400, P900 ‘yung mapupunta sa marketer na gumagawa ng fake receipts. ‘Yung liaison officer, they receive P1,500. We know who they are and we know more or less ‘yung structure nila,” sabi pa niya.

Nang ipaabot niya ang isyu sa Regional Director ng PhilHealth ay na-demote siya sa trabaho at inilipat ng posisyon sa Overseas Filipino Workers Affairs.

vuukle comment

OFW

POEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with