Pinas ‘very good’ sa pagsugpo sa COVID-19 – Malacañang
MANILA, Philippines — Tinawag na ‘‘very good’’ ng Malacañang ang ginagawa ng gobyerno sa pagharap sa COVID-19 kahit pa nangunguna na ang bansa sa may pinakamara-ming may impeksiyon.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, wala namang bansa sa mundo ang perpekto ang paraan sa pagharap sa coronavirus at kung ikokonsidera ang rate ng mga namamatay ay masasabing mahusay ang Pilipinas.
Naniniwala rin si Roque na hindi nagkamali ang gobyerno nang magpatupad ng mga lockdown dahil naiwasan ang projection ng University of the Philippines na mas marami ang tatamaan.
Pero kung ikokonsidera aniya kung gaano karami ang populasyon ng bansa sa Southeast Asia, lalabas na mabuti pa rin ang ginagawa ng gobyerno.
Ipinunto rin ni Roque na kumpara sa ibang bansa, nasa no. 22 ang Pilipinas sa may pinakamaraming COVID-19 pero kung ikukumpara ang populasyon sa ban-sa katulad ng Brazil na nasa number 2 ay masasabing mas mahusay pa rin ang ginagawa ng Pilipinas.
- Latest