PhilHealth chief, iba pa sibakin! – PACC
MANILA, Philippines — Inirekomenda ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang pagsibak kay Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) President Ricardo Morales at iba pang mga opisyal para matigil ang malawakang korapsyon sa ahensiya.
Sa ikalawang pagdinig ng Senate Committee of the Whole kaugnay sa umano’y korapsyon sa PhilHealth, ibinunyag din nito na naglalabas ang ahensiya ng P2 bilyon-P3 bilyon kada linggo dahil walang validation mechanism ang information technology (IT) system nila.
Dahil dito kaya namamanipula umano ito ng mga empleyado at ng ospital at hindi nasusuri ng PhilHealth kung totoo ang mga claims na lantad naman sa korapsyon kaya namimiligrong mawalan ng pondo ang ahensiya.
Pinuna rin ni Belgica ang kaso ng Corpuz hospital na sa kabila ng rekomendasyon ng central office na sampahan ng kaso ang ilang tiwaling opisyal ay hindi ito ginawa ng regional office ng ahensiya.
Problema rin umano sa ahensiya na nasilip ng PACC ay ang kurap at mabagal na sistema sa kanilang legal system.
Nilinaw naman ni Belgica na mahaba ang listahan ng pangalan ng mga iniimbestigahan nila at inihahanda na nila ang paghahain ng kaso laban sa mga opisyal ng PhilHealth sa Office of the Ombudsman.
- Latest