Lorenzana: Metro Manila 'ready' bumalik sa GCQ matapos ang Agosto 18
Pinapara ng mga kawani ng Manila Police District ang mga motoristang ito sa hangganan ng Roxas Boulevard, Maynila bilang bahagi ng pagpapatupad ng modified enhanced community quarantine (MECQ), ika-4 ng Agosto, 2020
The STAR/Miguel de Guzman
Lorenzana: Metro Manila 'ready' bumalik sa GCQ matapos ang Agosto 18
James Relativo (Philstar.com) - August 10, 2020 - 12:20pm

MANILA, Philippines — Posibleng luwagan na ang lockdown restrictions sa Kalakhang Maynila, ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, na chairperson din ng National Task Force on COVID-19.

Sa panayam ng ANC, Lunes, sinabi ni Lorenzana na handa nang bawiin ang mahigpit na modified enhanced community quarantine (MECQ) sa rehiyon.

May kaugnayan: 'Quarantine pass' hihingiin uli sa pagbabalik ng MECQ sa NCR, 4 pang lugar bukas

"I think we are ready to go down, we cannot continue with the MECQ kasi nga alam na natin nasaan 'yung areas na may infection. 'Yun lang ang tutukan natin so that the others can also go to work," sabi ni Lorenzana.

"Yeah, I think the trend is going down. Yesterday mga 3,000 na lang 'yung bagong kaso down from 6,000 previously."

Kahapon, nasa 3,109 panibagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) ang naidagdag sa talaan ng Department of Health (DOH). Sumatutal, 129,913 na ang bilang ng kumpirmadong kaso sa bansa.

Sa ilalim kasi ng MECQ, ilang non-essential na establisyamiyento at uri ng trabaho kasi gaya ng public transportation kasi ang hindi pinahihintulutang mag-operate habang ipinatutupad ang MECQ sa National Capital Region (NCR) at karatig na apat na probinsya.

Matatandaang sinabi na ng ilang sektor na hindi makabubuti ang muling paghihigpit ng mga lockdown sa dahilang nawasak nito nang husto ang ekonomiya, lalo na't Metro Manila ang sentro nito sa Pilipinas.

Dagdag pa ni Lorenzana, inatasan na raw ni Health Secretary Francisco Duque III ang ilang health workers mula sa ibang rehiyon na may mababang kaso ng COVID-19 upang tumulong sa efforts upang puksain ang pandemya sa Metro Manila, kung saan higit na nakararami ang infections.

"Region III, Region IV, Region V at saka Region II. "yung bang mga kakaonti lang ang infection," sabi ni Lorenzana.

"There are medical health workers that they can spare to come here. At the same time, the DOH is already hiring additional workers."

Aniya, nagdadalawang-isip ngayon mag-enlist ang ilang unemployed nurses dahil sa tatlong buwan lang ang inaalok na trabaho. Pero ginagawan na raw ng paraan upang maiangat ito sa anim na buwan.

Pag-aaralan pa

Sa isa namang press briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang viability ng pag-revert sa GCQ.

"Kapag tayo ay nag-aassess ng sitwasyon, palagi natin tinitignan din natin ang capacity ng health system... Lumuluwag na ba sa mga ospital? Wala na bang pasyente na hindi na-aadmit?" sabi ni Vergeire.

"We have to look at all of those indicators... bago tayo makapagsabi kung talagang mag-i-ease tayo ng restrictions at bago nbatin nasabi na we are making things better."

Dapat din daw na tignan pati ang mga nangyayari sa mga pamayanan, labas sa mga ospital, at kung nakapagpapatupad ng matinding contact tracing at mas mahihigpit na lockdowns.

Maganda rin daw na masilip kung nakatutulong sa Oplan Kalinga ang mga local government units (LGUs) sa pagdadala ng ilang COVID-19 positive cases sa bahay patungo sa mga treatment centers.

"Para masabi natin na assured tayo na hindi na kakalat sa mga komunidad kasi natanggal na natin 'yung mga pwedeng magkalat ng impeksyon," sabi ni Vergeire.

DELFIN LORENZANA DEPARTMENT OF HEALTH MECQ NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with