^

Bansa

MECQ, isagad ng 1 buwan - Leachon

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
MECQ, isagad ng 1 buwan - Leachon
“Kung talagang MECQ ang gusto nila, isagad nila ng isang buwan tapos i-build up na ‘yung health care capacity. Magpa-flatten tayo ng curve,” ani Dr. Tony Leachon.
The STAR/Miguel de Guzman

Para ma-flatten ang curve

MANILA, Philippines — Iminungkahi ng dating task force on COVID-19 adviser na magpatupad na ng “one time-big time lockdown” para mapababa ang bilang ng tinatamaan ng virus.

“Kung talagang MECQ ang gusto nila, isagad nila ng isang buwan tapos i-build up na ‘yung health care capacity. Magpa-flatten tayo ng curve,” ani Dr. Tony Leachon.

Aniya, dapat ay walang ‘gap’ kaya kung sasagarin na ang lockdown ay pagkakataon na ito para ihanda ang publiko sa inaasahang pagdating sa Disyembre ng COVID-19 vaccine na may time frame na 3 buwan.

“Ngayon pa lang tayo umaarangkada sa health care capacity so one time, big time, and then dadating ang bakuna ng Disyembre, tamang-tama kasi ang mga countries sa mundo 3 buwan nilang na-flatten ang curve, ‘yun ang timeframe,” paliwanag niya.

Naniniwala si Lea­chon na may local transmission dahil sa kabila ng pagtaas ng testing rate, nasa 11.9 porsyento ang nagpopositibo.

Inihalimbawa niya ang Cebu, na dating may 33 porsyentong positivity noong Hunyo, nang isai­lalim sa ECQ ay bumaba sa 7 porsyento.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with