Apela ng teachers sa DepEd: Pagpapaliban ng klase, ihirit kay Duterte!
Ayon kay TDC Chairperson Benjo Basas, mas makabubuti kung hindi muna itutuloy ang pagbubukas ng School Year 2020-2021 upang magkaroon pa ng sapat na panahon para sanayin ang mga guro, estudyante at magulang sa magiging sistema ng edukasyon sa pasukan.
Miguel de Guzman
Apela ng teachers sa DepEd: Pagpapaliban ng klase, ihirit kay Duterte!
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - August 7, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umapela ang Teachers’ Dignity Coalition sa Department of Education (DepEd) na irekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte na iurong muna ang pagbubukas ng klase, na nakatakda sa Agosto 24.

Ayon kay TDC Chairperson Benjo Basas, mas makabubuti kung hindi muna itutuloy ang pagbubukas ng School Year 2020-2021 upang magkaroon pa ng sapat na panahon para sanayin ang mga guro, estudyante at magulang sa magiging sistema ng edukasyon sa pasukan.

Paliwanag niya, maliit na bahagi lang sa halos 23 milyong enrollees ang gagamit ng online learning o internet sa buong bansa, at karamihan ay gagamit ng libreng printed modules.

Gayunman, hindi pa malinaw ang estado ng modules na gagamitin at may problema pa sa paghahatid ng mga ito sa mga bahay ng mga estudyante.

“’Yong honest assessment po namin ay hindi pa po nakahanda yung system ano po, hindi po natin pwedeng sabihin na yung mga teacher o mga estudyante ang hindi nakahanda kundi yung system po,” paliwanag pa ni Basas, sa panayam sa radyo.

“At least kung mayroon lang po kaming magagawa at kung kami ay pakikinggan po ng Department of Education, sana i-recommend na ng ating DepEd sa Pangulo na iatras muna itong pagbubukas ng klase po,” aniya pa.

Matatandaang kahit patuloy pa ang banta ng COVID-19 at dumarami ang mga taong nahahawa nito ay itinakda na ng DepEd ang pasukan sa Agosto 24.

Una na ring nilagdaan ng Pangulo ang batas na nagbibigay sa kaniya ng kapangyarihang iurong ang petsa ng pagbubukas ng klase sa panahon ng state of emergency.

DEPED PRESIDENT DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with