Lotto balik na sa GCQ, MGCQ areas simula Agosto 7
Sa public advisory ng Philippine Charity Sweepstakes Office, kabilang sa sisimulang muli ay ang pagbola at pagbebenta ng mga tiket ng Lotto 6/42, Mega Lotto 6/45, Super Lotto 6/49, Grand Lotto 6/55 at Ultra Lotto 6/58.
Geremy Pintolo, file
Lotto balik na sa GCQ, MGCQ areas simula Agosto 7
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - August 7, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Simula ngayong Biyernes, Agosto 7 ay balik na muli ang lotto operations sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) at modified general community quarantine (MGCQ).

Sa public advisory ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), kabilang sa sisimulang muli ay ang pagbola at pagbebenta ng mga tiket ng Lotto 6/42, Mega Lotto 6/45, Super Lotto 6/49, Grand Lotto 6/55 at Ultra Lotto 6/58.

Ang selling period ng tiket nito ay mula 7:00AM hanggang 8:00PM ha-bang ang pagbola dito ay isasagawa ng 9:00 p.m.

Nilinaw naman ni PCSO General Manager Royina Garma na suspendido pa rin ang lahat ng PCSO games sa mga lugar na nananatili pa rin sa ilalim ng MECQ at ECQ.

Hindi pa rin aniya ibinabalik ng PCSO ang ope­rasyon ng small town lottery o STL.

LOTTO PCSO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with