Sen. Go sa Ombudsman: ‘Balatan’ ang PhilHealth mafia
(Pilipino Star Ngayon) - August 6, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hiniling ni Sen. Bong Go sa Office of the Ombudsman na masusing imbestigahan o “balatan nang malalim” ang mga opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa mga alegasyon ng katiwalian upang malaman ang katotohanan sa sinasabing mafia na kumikilos sa ahensiya.

Kasunod na rin ito ng pagkadismaya ng senador sa pagkabigo ng state run insurance company na mailabas ang insurance claims sa accredited hospitals nito at sa umano’y overpriced na paggastos at marami pa.

Sa pagdinig ng Senado, iginisa ni Go ang PhilHealth officials sa pagkabigong maresolba ang mga kumukulapol na isyu sa ahensiya.

Sinabi ni Go na dapat nang sibakin ang mga tiwaling opisyal sa nasa­bing government-owned corporation.

Umapela si Go sa Ombudsman na malalimang magsiyasat sa isyu para malaman kung sino ang mga dapat managot at matukoy ang mga nasa likod ng kalokohan o kung mayroon mang mafia sa PhilHealth.

Ayon sa senador, sad­yang hindi katanggap-tanggap na ang salaping bayan na magagamit sana sa pagliligtas ng buhay ng ating mga kababayan ay nawawaldas lamang sa katiwalian sa gitna ng dinaranas na krisis ng bansa dulot ng pandemya.

Dismayado ang mam­babatas dahil ang PhilHealth, ang implementer ng Universal Health Care Law, ay nagsabing nga-yon pa lang ay nauubos na ang pondo nito.

PHILHEALTH
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with