^

Bansa

COVID-19 cases sa Pilipinas lalo pang lumobo, 115,980 na ngayon

James Relativo - Philstar.com
COVID-19 cases sa Pilipinas lalo pang lumobo, 115,980 na ngayon
Makikitang nagsisiksikan ang mga motoristang ito habang patungo sa west bound lane checkpoint ng Cainta border habang ipinatutupad ang mas mahigpit na modified enhanced community quarantine (MECQ), ika-4 ng Agosto, 2020
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines (Updated, 5:20 p.m.) — Sa patuloy na pagtulak ng buwan ng Agosto, hindi pa rin kumakalma ang bilang ng mga naidadagdag sa arawang kaso ng coronavirus disease (COVID-19), Miyerkules.

Ayon sa pagtataya ng Department of Health (DOH), sumampa na kasi ito sa 115,980, bagay na mas marami nang 3,462 kumpara sa datos kahapon.

Kalakhan sa mga panibagong naiulat ay nagmula sa mga sumusunod na lugar sa bansa:

  • National Capital Region (2,434)
  • Laguna (105)
  • Rizal (101)
  • Cavite (73)
  • Cebu (62)

"[Said] confirmed  cases are reported  based on the total tests done by 84 out of 94 current operational labs...  2,919 (84%) occurred within the recent 14 days," wika ng DOH.

"There were seventy-five (75) duplicates that were removed from the total case count. We have also updated the outcomes of two (2) cases. One (1) was previously reported as death but updated as recovered and one (1) case was previously reported as recovered but updated as death after final validation; these are already included in the count of new deaths and recoveries."

Pero sa bilang na 'yan, 47,587 na lang ang sinasabing aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa. 'Yan ay matapos ibawas ang mga gumaling na o namatay mula sa kinatatakutang sakit.

Samantala, pumanaw naman na ang siyam pa kaugnay nito matapos hindi kayanin ang pinsalang dulot ng SARS-CoV-2 virus, bagay na nagsasanhi ng nabanggit na karamdaman. Sumatutal, 2,123 na ang local death toll sanhi ng sakit.

Karamihan sa mga namatay ay nanggaling mula sa Metro Manila (apat) at Central Visayas (apat), bagay na sinundan naman ng Rehiyon ng Davao (isa).

Pero sa kabila niyan, ligtas naman na at malaya sa virus ang 222 pang pasyente, na nag-aangat sa viral recoveries sa 66,270.

Kasalukuyang nasa 18.12 milyon ang kaso ng COVID-19 sa buong mundo, ayon sa pinakahuling datos ng World Health Organization. Hindi naman pinalad ang 691,013 sa kanila at tuluyang pumanaw habang nakikipagbuno sa sakit.

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

WORLD HEALTH ORGANIZATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with