^

Bansa

'Highest increase uli': COVID-19 cases sa bansa nadagdagan nang 6,352, pumalo sa 112,593

James Relativo - Philstar.com
'Highest increase uli': COVID-19 cases sa bansa nadagdagan nang 6,352, pumalo sa 112,593
Inihahatid ni Maricris Pablo, guro mula sa Navotas Elementary School, ang school supplies and self-learning modules (SLM) sa pamilya ng mga estudyante habang dina-dry run ang Distance Learning Classes sa Barangay San Jose, Navotas City, ika-3 ng Agosto, 2020
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines (Updated 5:23 p.m.) — Patuloy sa pagdami ang mga pasyenteng nahahawaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas, kasabay ng muling pagpapatupad ng lockdown restrictions sa Metro Manila at apat na karatig na probinsya simula ngayong Martes.

Umabot na sa 112,593 ang tinatamaan nito ngayon. 'Yan ay matapos makapagdala ng karagdagang 6,352 confirmed cases ang Department of Health (DOH) ngayong araw.

Ang mga naturang datos ay nakalap "batay sa kabuuang pagsusuri na ginawa ng 80 sa 94 operational labs," dagdag mng DOH sa Inggles.

"Merong 89 na duplicates na tinanggal sa kabuuang case count. Mula diyan, 12 ang gumaling at tinanggal na."

Ito na ang pinakamataas na pagtalon sa isang araw lang ng COVID-19 infections sa kasaysayan ng Pilipinas kahit ipinatutupad ang mas mahigpit na modified enhanced community quarantine (MECQ) sa limang erya sa bansa gaya ng National Capital Region (NCR).

Natagpuan ang karamihan sa mga bagong ulat na kaso sa:

  • NCR (3,139)
  • Laguna (592)
  • Cavite (550)
  • Rizal (277)
  • Cebu (261)

Halos 62% (3,941) sa mga bagong kaso ay naitala sa nakaraang 14 araw. 

Sa kabila niyan, kapraso lang ng bilang na 'yan ang patuloy na nagdurusa sa SARS-CoV-2 virus. 44,429 lang kasi sa mga 'yan ang aktibong kaso — na isa pa rin sa pinakamataas sa ASEAN region.

Swerte namang wala nang COVID-19 ang 240 pang dating kaso, bagay na nag-aakyat sa total local recoveries sa 66,049.

Samantala, yumao na sa nasabing virus ang 2,115 sa bansa. Mas marami 'yan nang 11 kumpara sa naibalita ng DOH.

"Sa 11 namatay, isa (9%) ay nangyari noong Agosto, walo (73%) noong Hulyo, isa (9%) noong Hunyo at isa uli (9%) noong Mayo," dagdag pa ng DOH.

"Nanggaling sila mula sa Region 7... Region 11... Region 9... Region 4A... at NCR."

Sa huling taya ng World Health Organization (WHO), 17.91 milyon na ang tinatamaan ng nakamamatay sa sakit sa buong mundo. 686,703 sa kanila ang pumanaw na.

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with