“The request of health workers to place Mega Manila under ECQ for at least two weeks is a valid request that Malacañang should seriously consider. Putting human lives above all consi­derations is a no-brainer, given the choice,” ani Senator Panfilo Lacson.
Geremy Pintolo, file
Apela ng mga health workers pakinggan - Lacson
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - August 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Iginiit kahapon ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na dapat pa­kinggan ng gobyerno ang apela ng mga health care workers na ilagay muna sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila sa susunod na dalawang linggo.

Ayon kay Lacson, may batayan at dapat seryosohin ng Malacañang ang apela dahil dapat mas bigyan ng konsiderasyon ang buhay.

“The request of health workers to place Mega Manila under ECQ for at least two weeks is a valid request that Malacañang should seriously consider. Putting human lives above all consi­derations is a no-brainer, given the choice,” ani Lacson.

Dagdag ni Lacson na dapat magkaroon din ng pagbabago sa pamamahagi ng tulong sa mga pinaka-nangangailangan.

Ang mahalaga ani­ya ay mapigilan ang pattern ng patuloy na pagtaas ng mga nagkakaroon ng impeksiyon araw-araw.

Sa mahigit na apat na buwan, dapat ay maayos na ang data management ng mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno, wika pa ng senador.

ECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with