Duterte inutos pag-aralan ang paggamit ng nuclear energy

Ang NEP-IAC ay pamumunuan ng kalihim ng Department of Energy at vice chair ang Department of Science and Technology secretary.
Jiru27 / CC BY-SA (https://creativecommons.org/licenses/by-sa/3.0)

MANILA, Philippines — Inutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na pag-aralan ang posibilidad nang paggamit ng nuclear energy sa Pilipinas.

Sa Executive Order (EO) 116 na nilagdaan ni Duterte, iniutos nito ang pagbuo ng Nuclear Energy Program Inter-Agency Committee (NEP-IAC) na mag-aaral at bubuo ng isang “National Position on a Nuclear Energy Program (NEP).”

Ang NEP-IAC ay pamumunuan ng kalihim ng Department of Energy at vice chair ang Department of Science and Technology secretary.

Pinirmahan ang EO noong Hulyo 24 pero kahapon lamang inilabas sa media.

Nakasaad sa EO na panahon na upang mu­ling tingnan ang polisiya ng bansa tungkol sa nuclear energy at ang posibilidad na magamit ito bilang pangmatagalang source ng kur­yente.

Show comments