_ngayon
^
10-30 days kulong sa âdi magsusuot ng face mask
“Magkakaroon na kami ng uniform implementation kung papaano ipapatupad ‘yung health standards... number of days in prison kapag nag-violate ka ng hindi pagsuot ng mask. We suggest 10 to 30 days, physical distancing also 10 to 30 days imprisonment,” sabi ni DILG Secretary Eduardo Año.
The STAR/Edd Gumban, file

10-30 days kulong sa ‘di magsusuot ng face mask

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - July 23, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Binalaan ni DILG Secretary Eduardo Año ang sinumang indibidwal na mahuhuling walang suot na face mask sa labas ng kanilang tahanan at lalabag sa physical distancing, na maaari silang makulong ng mula 10 hanggang 30-araw.

Sa isang pre-SONA forum at press confe­rence, sinabi ni Año na nakipagpulong siya sa mga local chief executives (LCEs) iminungkahi na magkaroon ng iisang polisiya na magpapataw ng parehong parusa sa mga lalabag sa quarantine protocols.

“Magkakaroon na kami ng uniform implementation kung papaano ipapatupad ‘yung health standards... number of days in prison kapag nag-violate ka ng hindi pagsuot ng mask. We suggest 10 to 30 days, physical distancing also 10 to 30 days imprisonment,” sabi ni Año.

Maaari namang uma­­bot ang multa mula P1,000  hanggang P5,000.

Nauna rito, inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pulis na arestuhin at ikulong ang mga taong hindi magsusuot ng face mask nga­yong nananatili pa rin ang banta ng COVID-19 sa bansa.

FACEMASK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with