250K COVID-19 case sa loob ng 24 oras naitala â WHO
Nasa kabuuang 259,848 bagong kaso ang naitala nitong Sabado na mas malaki kum­para noong Biyernes na nakapagtala naman ng 237,743 mga kaso. Ang biglaang pagtaas ay nangangahulugan na may 1 milyong bagong kasong naitatala sa loob ng 100 oras.
Boy Santos, file
250K COVID-19 case sa loob ng 24 oras naitala – WHO
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - July 20, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Nakapagtala ang World Health Organization (WHO) ng higit sa 250,000 bagong kaso ng COVID-19 sa buong mundo sa loob lamang ng 24 na oras.

Nasa kabuuang 259,848 bagong kaso ang naitala nitong Sabado na mas malaki kum­para noong Biyernes na nakapagtala naman ng 237,743 mga kaso. Ang biglaang pagtaas ay nangangahulugan na may 1 milyong bagong kasong naitatala sa loob ng 100 oras.

Nitong nakaraang Biyernes din, lumagpas na sa 14 milyon ang mga kaso ng COVID-19 sa mundo habang halos 600,000 na ang nasawi dito.

May pinakamataas na naitala na mga bagong kaso nitong Sabado sa Estados Unidos, Brazil, India at South Africa. May 71,484 bagong kaso sa USA, 45,403 naman sa Brazil, 34,884 sa India at 13,373 sa South Africa.

Ang India ang ikatlong bansa sa mundo na umabot sa higit isang milyon ang kaso ng COVID-19 kasunod ng USA at Brazil.

WHO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with