71 labi ng OFWs darating ngayon

Ayon kay Overseas Workers Welfare Admi­nistration (OWWA) Admi­nistrator Hans Leo Cacdac, mismong si Labor Secretary Silvestre Bello III ang mangangasiwa sa pagdating ng mga labi.
STAR/ File

MANILA, Philippines  — Inaasahan ang pagdating ngayon sa bansa ng 71 labi ng OFWs sa Saudi Arabia kabilang ang 40 tinamaan ng COVID-19.

Ayon kay Overseas Workers Welfare Admi­nistration (OWWA) Admi­nistrator Hans Leo Cacdac, mismong si Labor Secretary Silvestre Bello III ang mangangasiwa sa pagdating ng mga labi.

Tiniyak naman ni Cacdac na ang mga pamilya ng mga naturang namatay na OFW ay makakatanggap ng tulong mula sa pamahalaan.

Kabilang dito ang cremation o burial services, gayundin ang death, livelihood at scholarship be­nefits na dapat makuha ng isang aktibong OWWA member.

Noong Hulyo 10, unang nai-repatriate sa Pilipinas ang mga labi ng 49 OFWs, na mula sa dalawang rehiyon, kabilang dito ang 19 na namatay sa COVID-19, na kaagad ding idiniretso sa mga crematorium.

Nasa kabuuang 274 bangkay ng OFWs mula sa Saudi Arabia ang iuuwi sa Pilipinas

Show comments