Lorenzana nag-self quarantine

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, kasama niya sa Jolo,Sulu ang kanyang staff subalit hindi ito nagpunta sa event ni Pangulong Duterte. Bumalik sila ng Maynila na naka-personal protective equipment na ang kanyang staff.
STAR/File

Staff nagpositibo sa COVID

MANILA, Philippines — Nag-self quarantine si Defense Secretary Delfin Lorenzana makaraang magpositibo ang isa niyang staff sa COVID-19.

Ayon kay Lorenzana, kasama niya sa Jolo,Sulu ang kanyang staff subalit hindi ito nagpunta sa event ni Pangulong Duterte. Bumalik sila ng Maynila na naka-personal protective equipment na ang kanyang staff.

Nakasama rin niya ito sa Subic sa blessing ng BRP Jose Rizal ng Philippine Navy.

Dahil dito, obligado silang nakasama ng kanyang staff sa eroplano na sumailalim sa swab test at quarantine.

Ito na ang ikalawang self quarantine ni Lorenzana. Una ay nang makasalamuha niya si AFP Chief General Felimon Santos Jr. na nagpositibo sa COVID-19 test noong Mayo.

Negatibo naman sa unang COVID-19 test si Lorenzana.

Show comments